Nagpupugay sa ika-156 kapanganakan ni Felipe Salvador, dakilang rebolusyonaryo na nakilala bilang Apung Ipe. Naging bahagi ng pakikibaka ng Katipunan, kasama ni Sakay sa digmaan laban sa pananalakay ng imperyalistang Estados Unidos, inspirasyon ng maraming dukha, ng mga colorum, ng maraming kilusan. Kawawang bayan na malilimutin, pati mga progresibong pwersa na nakakaalala ng bayani ng ibang sambayanan ngunit kinakalimutan ang mga muhon ng sariling kasaysayan. Itaas ang bandera ni #ApungIpe!